Maritime Exercises ng PCG kasama ang Japan at US, walang kinalaman sa WPS—PCG

Maritime Exercises ng PCG kasama ang Japan at US, walang kinalaman sa WPS—PCG

NILINAW ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang kinalaman sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS) ang trilateral maritime exercises kasama ang USA at Japan.

Alas diyes araw ng Huwebes, dumaong sa Manila Port ang dalawang malaking vessel ng Japan at ng Amerika para sa pagbubukas nang trilateral maritime exercises kasama ang PCG.

Winelcome ng PCG ang pagdating ng US Coast Guard (USCG) vessel USCGC Stratton (WMSL-752) at ang Japan Coast Guard (JCG) vessel Akitsushima.

Ito ang kauna-unang Kaagapay Exercises ng PCG kasama ang dalawang bansa.

Sa pagbubukas ng Kaagapay Exercises, present si Department of Transportation (DOTr) Usec. for Maritime Elmer Francisco Sarmiento at mga pangunahing opisyal ng PCG at ang mga pangunahing opisyal sa Japan at USA Coast Guard.

Ayon kay Captain Antonio Sontillanosa, sa mga nagdaang mga taon ay may mga bagong estratehiya na maaaring makuha ang PCG mula sa dalawang bansa.

Para sa 1st Kaagapay Exercises, nasa 400 ang lalahok sa exercises mula sa ating coast guard, USA at Japan Coast Guard.

Gagawin ang maritime exercises sa Mariveles Bataan mula June 2-7.

Pero paglilinaw ng PCG, ang exercises kasama ang dalawang bansa ay bahagi lamang ng mandato ng coast guard para mapaunlad ang kakayahan ng mga personnel pagdating sa search and rescue (SAR).

Wala aniya itong kinalaman sa isyu o tension sa WPS kasama ang China.

Handa rin aniya silang buksan ang exercises sa iba pang bansa sa South East Asia.

Balak din ng PCG na gawing regular ang pagsasagawa ng maritime exercises.

Ang pagsasanay sa ilalim ng Kaagapay Exercises ay malaking tulong para ma-address ang illegal fishing, smuggling at iba pa ayon sa PCG.

Sa gagawing exercises, ay gagawa ng scenario ang mga coast guard personnel ng scenario kung saan meron silang mae-encounter na kahina-hinalang vessel na sangkot sa ilegal na aktibidad.

Ito ay iinspeksyunin ng tatlong coast guard kasunod ng isang SAR operation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter