Propesor sa South Florida, nanatili sa ilalim ng tubig ng halos 100 araw

Propesor sa South Florida, nanatili sa ilalim ng tubig ng halos 100 araw

SUMABAK ang isang propesor mula sa University of South Florida sa isang pag-aaral kung saan mananatili ito ng halos 100 araw sa ilalim ng tubig.

Ang layunin ng tinutukoy na propesor na si Joseph Dituri ay pag-aralan kung ano ang mangyayari sa katawan ng tao sa ganoong kondisyon.

Noong buwan ng Marso nitong taon sinimulan ang pag-aaral at natapos ito nitong Mayo.

74 na araw naman nagtagal sa ilalim ng tubig si Dituri.

At mula sa naturang pag-aaral, nararamdaman ni Dituri na mas bumabata siya kumpara noong sinimulan niya pa lang ang eksperimento.

Sa pagsusuri din sa kaniya ng medical experts, nakita na tumaas ng 20% ang telomeres ni Dituri.

Ang telomeres ay isang uri ng enzyme na tumutulong para hindi agad tumanda ang isang tao.

Sinasabing kalaunan sa buhay ng tao ay nababawasan ang telomeres sa katawan.

Maliban sa bumabata ay nakita rin sa pag-aaral na mas bumubuti ang kaniyang sleeping cycle, nababawasan ang kaniyang cholesterol, at maging inflammatory markers.

Follow SMNI NEWS in Twitter