BUMISITA sa Malaysia ang deputy minister ng Czech Republic upang talakayin ang regional at international na isyu sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakatanggap ng courtesy call ang Deputy Minister of Foreign Affairs mula sa deputy minister ng Czech Republic na si H.E. Jiri Kozak noong Hunyo 12 sa Putrajaya.
Sa panahon ng pagbisita, tinalakay ng dalawang ministro ang pagpalalakas ng two-way trade, gayundin ang kooperasyon sa larangan ng kalusugan, research and development, science and innovation, edukasyon at turismo.
Kabilang din sa tinalakay ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig na may mutual interest sa isa’t isa.
Bukod sa pagpapahayag ng pasasalamat sa suporta ng Czech Republic para sa palm oil, umaasa rin ang deputy foreign minister na isasaalang-alang ng Czech Republic ang muling pag-import ng palm oil mula sa Malaysia sa hinaharap.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig sa Ukrain-Russia conflict at ugnayan ng ASEAN-EU.
Nagpaabot din ng imbitasyon si HE Kozak sa deputy foreign minister na bumisita sa Czech Republic.