Kakulangan ng Pinoy nurses sa bansa, mas lalala pa—Mambabatas

Kakulangan ng Pinoy nurses sa bansa, mas lalala pa—Mambabatas

MAS lalala pa ang kakulangan ng Pinoy nurses sa bansa.

Ito ang sinabi ni Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo dahil sa malakas na demand mula sa Estados Unidos.

May natanggap pa aniya ito na impormasyon na ang mga nurse na nagtratrabaho sa Middle East ay pinapa-relocate sa Texas at California.

Dahil dito, sinabi ni Rillo na dapat hanapan na ng solusyon ang nakaambang problema na ito.

Mainam na taasan na ang sahod ng nurses sa bansa para may rason itong manatili.

Sa panukala ni Rillo, P63,997 ang magiging entry-level ng nurses.

Sa Senado, P51,357 naman ang ninanais nila na entry-level.

Sa Estados Unidos, aabot sa $77,600 o equivalent ng P4.3-M ang natatanggap ng nurses ayon sa US Bureau of Labor Statistics.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter