Urgent motion for inhibition ng Teves camp, binasura ng prosecutors

Urgent motion for inhibition ng Teves camp, binasura ng prosecutors

HINDI kinatigan ng Department of Justice (DOJ) panel ang motion for inhibition na inihain ng kampo ni Cong. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.

Nakasipot na ang kampo ni Teves sa ikalawang araw ng preliminary investigation (PI) ng DOJ panel of prosecutors.

Saad ng kampo, wala nang dahilan para hindi nila daluhan ang pagdinig matapos nilang matanggap ang subpoena noong Hunyo 14.

Pero ang kanilang motion for inhibition kung saan gusto nilang bitawan ng DOJ ang imbestigasyon at ilipat sa Ombudsman ang pagdinig, binasura lang ng panel.

Naka-set sa Hulyo 17 ang paghahain nila ng kontra salaysay para sa patong-patong na reklamo ng murder, frustrated murder at attempted murder laban kay Teves.

Ang biyuda ni Roel Degamo na si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, tiwala sa naging desisyon ng panel sa mosyon ng Teves camp.

Sa hearing ay nakasipot na rin ang abogado ng ilang akusado sa Degamo murder.

Pormal na itong naghain ng bagong salaysay para sa recantations ng limang akusado na sina Daniel Lora, Romel Pattaguan, Jhudiel Rivero, Joven Javier, Rogelio Antipolo, Jr.

Kinumpirma na rin ng mga akusado sa harap ng panel ang kanilang recantations.

Ang abogado ng piloto ng helicopter na sinakyan umano ng mga akusado, itinanggi ang partisipasyon ng kaniyang kliyente sa krimen.

Humingi ito ng mga actual footages na sinasabing ebidensiya laban sa kaniyang kliyente na si Captain Lloyd Cruz Garcia.

Ang isa pang respondent na si Nigel Electona, nagawa ring makaharap sa pagdinig.

Si Electona ay sinasabing chief security umano ng HDJ Bayawan Agri-Ventures Corporation na pag-aari umano ni Pryde Henry Teves.

Isa aniya si Electona sa mga kasama sa nagplano, nag-briefing at tumulong sa gunmen sa Degamo murder.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter