NAGHAHANDA na ang ilang mga residente sa pag-iimbak ng tubig partikular na ang bahagi ng Quezon City na makararanas ng 9 hanggang 11 oras na water service interruption simula bukas ng Miyerkules.
Gaya na lamang ni Aling Gina na namimili na ng karagdagang timba na gagamitin para sa pag-iimbak ng tubig.
Kabilang kasi ang kanilang lugar sa Quezon City ang makararanas ng 9 hanggang 11 oras na water service interruption simula, bukas ng Miyerkules.
“Para ma-stock ‘yung tubig kasi siyempre kapag mawala ang tubig ay may tubig kang makukuha,” ayon kau Aling Gina.
Mabenta na rin ang mga timba o drum sa ilang tindahan sa Commonwealth Market.
Ilang gov’t offices na umaabot sa P15-M ang water bill, natukoy na ng DENR-WRMO
Nagpaalala na rin ang National Water Resources Board (NWRB) sa konsyumer na magtipid ng tubig ngayong mas bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Naitala ang 178.80 meters na water level sa dam, umaga ng Martes, Hulyo 11, mas mababa kumpara sa 179.83 meters, kahapon ng Lunes, Hulyo 10.
Maliban sa pagpapaalala sa mga residente sa tamang pagkonsumo ng tubig.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay mas binigyang-diin pa ang kahalagaan ng pagtitipid ng tubig ngayong panahon ng El Niño at water interruption.
Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, ipinatutupad na ng Water Resources Management Office ng ahensiya ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maging masinop sa paggamit ng tubig.
Kabilang sa tinututukan ng WRMO ay ang pagbawas sa pagkonsumo ng tubig ng mga ahensiya ng pamahalaan.
NWRB, binigyang-diin ang kahalagaan ng pagtitipid sa tubig ngayong panahon ng El Niño
Napag-alaman din ng WRMO na mayroong 20 hanggang 30 government offices na may lumang building at nasa loob ng malalaking compound ang umaabot sa higit P15 milyon ang water bill kada buwan.
At maging ang mga barangay hall na kakaunti lamang ang nga empleyado ay umaabot din sa P100,000 ang bill sa tubig.
Kaya naman, nagsagawa ng inspeksiyon ang WRMO sa mga government office at barangay hall para resolbahin ang problema sa tagas sa mga tubo.
Mga ahensiya ng pamahalaan na masinop sa pagkonsumo ng tubig, makatatanggap ng insentibo ayon sa DENR-WRMO
Sinabi pa ng DENR official na maaaring makatanggap ng insentibo ang mga ahensiya ng pamahalaan na masinop sa pagkonsumo ng tubig.
Maaari aniyang gamitin ng mga gov’t offices ang matatanggap insentibo bilang savings na magagamit bilang karagdagang pondo.
PH Air Force, nakahanda sa magsagawa ng cloud seeding upang abatan ang kakapusan sa suplay ng tubig sa Angat Dam
Samantala, nakahanda ring tumulong ang Philippine Air Force (PAF) sa mga ahensya ng gobyerno para tugunan ang posibleng kakapusan sa suplay ng tubig sa National Capital Region.
Sinabi ni Col. Maria Consuelo Castillo, Spokesperson ng Philippine Air Force handa sila na magsagawa ng cloud seeding operations para maibsan ang epekto ng tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon.
Matatandaan, noong nakaraang taon umabot sa 26 na operasyon ng cloud seeding ang isinagawa ng PAF.