SA inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP), bumaba sa 10.54 porsiyento ang crime rate ng pamahalaan mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo 2023 kumpara noong 2022.
Tugon ng PNP, kailangan pa nilang pag-igihan ang kanilang trabaho lalo na sa makabagong panahon ngayon kung saan mabilis ang pagkalat ng cybercrimes sa bansa.
Isa sa mga naiisip ngayon ng PNP, ang paggamit ng bagong application na makatutulong na mapababa pa ang bilang ng kriminalidad sa pamamagitan ng iReport app.
Para sa mga local government unit (LGU) at iba pang ahensiya ng pamahalaan, kapag simula na ng kani-kaniyang hotlines laban sa kriminalidad ay maaari pa itong gamitin, pero hindi rin anila malayo na pag-isahin na lamang ang police hotline ng bansa para maiwasang malito ang publiko sa mga numerong kailangang tawagan tuwing may mga krimen na nakita o reklamo na kailangang aksiyonan agad.
Sa huli, tinitiyak ng PNP ang kanilang pagsisikap na maibigay sa publiko ang kanilang serbisyo sa lahat ng pagkakataon.
Batid ng ahensiya na hindi nila ito kakayaning mag-isa kung wala ang tulong ng ibang ahensiya ng pamahalaan at mismong mamamayan.
Pakiusap ng PNP sa lahat, kooperasyon at pagbabantay sa mga nakikitang iregularidad at ilegal na gawain sa kani-kaniyang komunidad o nasasakupan.