Mactan-Cebu Int’l Airport kauna-unahang paliparan sa Pilipinas na ACI accredited

Mactan-Cebu Int’l Airport kauna-unahang paliparan sa Pilipinas na ACI accredited

ITINANGHAL ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) bilang kauna-unahang paliparan sa bansa na akreditado ng Airports Council International (ACI).

Pumasa ang MCIA sa airline standards na itinakda ng organisasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga customer kaya nabigyan ng ACI.

Maliban dito, noong 2021 nang mabigyan din ang MCIA ng airport health accreditation mula sa ACI dahil sa pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero at tauhan ng paliparan.

Ang MCIA sa kasalukuyan ay naglilingkod sa mahigit 11 milyong dayuhan at lokal na pasahero taon-taon.

Taon-taon ay mayroon mahigit na 11 milyong dayuhan at lokal na pasahero ang nasisilbihan ng MCIA.

Ang ACI naman ay organisasyon ng mga paliparan sa buong mundo na may mahigit 700 miyembro at nag-ooperate sa halos dalawang libong airport sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter