SUSPENDIDO ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila ngayong Lunes, Agosto 21.
Bilang paggunita ito ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Sen. Ninoy Aquino Jr.
Matatandaang Agosto 21, 1983 nang binaril si Ninoy sa Pambansang Paliparan ng Pilipinas.