Defensor namahagi ng Ivermectin sa kabila ng babala ng FDA

NAMAHAGI ngayon ng veterinary drug ivermectin si AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga COVID-19 patient sa Quezon City.

Ito ay sa kabila ng babala ng Food and Drug Administration tungkol sa gamot. Si Defensor ay namahagi muna sa mga may sakit at sa mga senior citizens.

“Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga senior citizens habang limitado pa ang suplay ng IVERMECTIN”. ayon sa Facbook post ni Defensor.

Bukod sa FDA, nagbabala na rin ang World Health Organization, European medicines agency, at US FDA sa paggamit ng nasabing gamot.

Sinabi rin ng Merck company na gumawa ng ivermectine na walang siyentipikong basehan na epektibo ito kontra COVID-19.

Ngunit ayon kay Defensor, maaring inumin ang ivermectin, isang beses kada dalawang linggo ng isang pasyente ng COVID-19.

Sa kabila nito, ang mga may preskripsyon lamang ng doktor ang kanyang bibigyan ng ivermectin.

Matatandaan naman sa panayam ng SMNI News, kinuwento ni Cong. Mike Defensor namahagi ang naranasan niya noong uminom siya ng ivermectin, paracetamol, vitamin C, vitamin D, at ibang vitamins noong nagka-Covid siya. Nag-share din siya tungkol sa adbokasiya niya na hindi dapat pinapahirapan ang mga doktor na mag-reseta ng ivermectin kundi payagan dapat sila para mapagaralan pa lalo ang gamot na ito.

SMNI NEWS