PATULOY na gagampanan ng mga miyembro ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Cebu ang responsableng paghahatid ng katotohanan sa likod ng mga fake news at misinformation sa social media.
Ipinagdiriwang ng KBP Cebu ang KBP Broadcasters’ Month nito na may temang “KBP Cebu Padayong Moasdang Paghatud sa Kamatuoran Taliwala sa Kabag-ohan” o “Patuloy ang Paghahatid ng Makatotohanang Balita sa Gitna ng Hamon ng Pagbabago”.
Pinangunahan ito ni KBP Cebu Chapter President Allan Montesclaros, kasama ang 20 member stations ng KBP Cebu.
Sa kaniyang pahayag ay binigyang-diin ni Montesclaros na bagaman mabilis ang panahon dahil sa pagpasok ng social media ay hindi dapat na ma-intimidate ang mga nasa mainstream.
“Sa bilis ng panahon ngayon, hindi natin namalayan na marami na tayong banta, pero isa lang ang masasabi ko, sa radio, let’s not be intimidated with the social media. Why? Kasi sa nakikita ko, lagi akong nakasubaybay sa inyong mga Facebook live and all na patuloy pa rin pala tayong sinusundan ng mga tao. Sa nakikita ko, ibig sabihin pala na gusto ng manonood ang totoong balita, they go to us… The mainstream media’s,” ayon kay Allan Montesclaros, President, KBP Cebu Station Manager, Energy FM.
Ani Montesclaros, hindi dapat competition ang treatment ng mainstream sa social media, ito ay bahagi o tool lang para mas mapalawig pa ang pagbabalita at serbisyo nito sa publiko.
“Yan ‘yung nakikita kong picture, na ang social media is just a tool, armas natin ‘yan, magagamit natin ‘yan sa lahat ng mainstream media para…huwag nating isipin na kino-compete natin ang social media, it is just one of our tool for us still. Because you can see, sa Facebook platform nangunguna pa rin ang mainstream media, using the social media platform,” dagdag ni Montesclaros.
Ayon naman kay Atty. Ruphil Banoc, KBP Cebu Legal Adviser, ang pagiging broadcaster ay may kaakibat na responsibilidad.
“Malaki ang ating responsibility, bilang totoong mga broadcasters ng Cebu, totoo na nasa mainstream tayo at gumagamit rin tayo social media, dahil sa social media maraming fake news at kahit ano na lang. Ang concern natin na despite of the trends nag kaniya-kaniya na lang ng blog, kaniya-kaniya na lang gawa ng blog. Tapos ‘yung concern pa, basta dumami ‘yung blog, dumami ‘yung, dumami ‘yung mga likes at iba pa. Nakalimutan na natin ‘yung ating responsibility sa tao, ang ating pagiging broadcasters may kaakibat na responsibility na ang pagsasabi ng katotohanan at pagsunod sa KBP Broadcast Code,” ayon kay Atty. Ruphil Bañoc, KBP Legal Adviser at Station Manager ng DYHP Cebu.
Samantala, patuloy naman ng commitment ng bawat isa lalo na ng SMNI News Cebu at DYAR Sonshine Radio na ihatid at ibandila ang katotohanan sa Visayas maging sa telebisyon o sa social media man.