Prime Minister ng Thailand, binigyang-diin na nagbigay ng humanitarian assistance sa Myanmar refugees

NAGPAABOT na umano ng humanitarian assistance sa Myanmar refugees ang Thailand ayon sa Prime Minister nito.

Binigyang diin ni Prime Minister Prayuth Chan-o-Cha na nagbigay ito ng tulong sa Myanmar refugees sa Thai-Myanmar border.

Ayon kay Prayuth, hindi ibig sabihin na hindi ito nagsasalita ng humanitarian affairs ay wala na itong pakialam.

Nagbigay naman umano ng suhestyon ang gobyerno para resolbahin ang sitwasyon sa Myanmar sa paamamgitan ng Ministry of Foreign Affairs at ASEAN.

Ayon kay Pryuth, ang 2 bansa ay mayroon nang mekanismo sa pamamgitan ng Thai-Myanmar Township Border Committee upang isaayos ang isyu sa crossborder nito.

Mayroong Myanmar refugees na nasugatan sa pro-democracy protests sa Myanmar ang ngayon ay tumatanggap umano ng medical treatment sa Thailand.

Samantala, nilinaw naman ni Immigration Bureau Chief Sompong Chingduang na ang kabuuang bilang ng Myanmar refugees sa Mae Hong Son Province ay nananatili sa 2,000.

(BASAHIN: Deadliest massacre day, naitala sa Armed Forces Day ng Myanmar)

SMNI NEWS