NANGAKO ang Committee on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa mga pondo ng Commission on Higher Education (CHED), kabilang ang Higher Education Development Fund (HEDF).
Ito ang inihayag ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo at siya ring senior vice chairperson ng komite sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa 2024 Budget ng CHED.
Hiniling naman ni Quimbo kay CHED chairman Popoy de Vera na gumawa ng sinumpaang pahayag kaugnay sa hindi nagamit na pondo ng ahensiya simula 2018.
Samantala, si Senior Deputy Minority Leader Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza ang nag-udyok sa House panel na humiling sa COA na tingnan ang pondo ng CHED.