Entrance tests sa higher education, dapat mas tumutok sa “equity”—CHED

Entrance tests sa higher education, dapat mas tumutok sa “equity”—CHED

DAPAT na mas tumutok sa “equity” ang entrance tests sa higher education upang ang mahihirap na estudyante ay mabigyan ng mas mataas na pagkakataon na makakuha ng libreng edukasyon sa state universities and colleges (SUCs).

Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera III.

Ayon De Vera, magiging “disastrous” ang naturang nationwide test kung ito ay magiging katulad ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) na aniya ay mas pabor sa mga may karangyaan sa pagpasok sa mga review class.

Dagdag pa ni De Vera, ang mga pumasa sa UPCAT ay mga mag-aaral na nagmula sa medyo mayamang pamilya mula sa urban areas na may pera para mag-review class na mas handang pumasa sa admission test.

 

Follow SMNI News on Rumble