Pagpasok ng ilang miyembro ng MNLF at MILF sa pulisya, major milestone—OPAPRU

Pagpasok ng ilang miyembro ng MNLF at MILF sa pulisya, major milestone—OPAPRU

MAITUTURING na major milestone sa usapang pangkapayapaan ang pagpasok ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pulisya.

Ito ay alinsunod ng nilagdaang RA 11054 o Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaking tulong na magkatuwang na ang MNLF, MILF at ang gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro Autonomous Region.

Ayon kay Galvez, mainam pa rin ang pakikipagdayalogo sa halip na magkaroon ng madugong labanan.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 200 MNLF at MILF ang nakapasa sa recruitment process para maging pulis.

Habang inumpisahan na rin ang pagsala sa ikalawang batch ng mga MNLF at MILF na magiging bahagi ng PNP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble