NAGKAROON ng pag-angat ng hanggang 19 puntos sa global ranking ang fixed broadband internet sa bansa sa nakalipas na dalawang buwan.
Base sa March Ookla Speedtest Index Report bumilis pa ang fixed broadband internet ng bansa makaraang tumaas ito ng 19 points sa global ranking sa nakalipas na dalawang buwan.
Sa datos ng Ookla, nakapagtala ng 7.79mbps na bilis ang internet sa bansa mula sa 38.46 mbps noong buwan ng Pebrero ay naging 46.25mbps nitong Marso.
Noong Hulyo 2016, nasa 7.91 mbps lamang ang download speed sa bansa kaya tumaas na ito sa ngayon ng 484.70%.
Sa 177 bansa na isinailalim sa pag-aaral ang Pilipinas ay nasa ika-81 puwesto pagdating sa fixed broadband speed.
Dahil sa pag-angat ng Pilipinas sa puwesto noong buwan ng Marso ay naging 2nd best na ito sa buong mundo sumusunod sa bansang Oman.
Sa pagbilis ng mobile speeds, nagresulta ito sa pagtaas sa global ranking, noong Disyembre umangat ang bansa ng 14 pts sa ranking at 10 pts noong Enero.
Sa 140 mga bansa ang Phil mobile speed ay nasa ika-86 na pwesto noong Enero mula sa ika-111 sa parehong petsa noong 2020.
(BASAHIN: Internet speed ng Pilipinas, bumilis ng 297.47% ayon sa Ookla)