TINANGAY ng mga alon sa baybayin ng Queensland sa bansang Australia ang libu-libong buhay at patay na daga.
Ang pagdami ng populasyon ng daga ay dulot ng kombinasyon ng wet weather conditions na panahon ng panganganak ng mga daga at ang masaganang ani sa lugar.
Sa ngayon ay inaasahan pa ang wet weather sa Queensland kaya inaasahan pa ang pinakamalalang sitwasyon.
Ayon sa mga residente, kayang sirain ng mga daga ang mga sasakyan nang buong gabi.
Matinding naapektuhan naman ang turismo ng bayan ng Karumba sa mga nakalipas na linggo dahil sa mga daga.
Sikat ang Karumba bilang isang fishing and birdwatching paradise.
Nagsimula ang salot ng mga daga sa bahagi ng Queensland at New South Wales noon pang 2011 pero palala nang palala ito taon-taon.