Mahigit 12-K Pinoy centenarians, nabigyan ng cash gifts

Mahigit 12-K Pinoy centenarians, nabigyan ng cash gifts

NASA P1.2-B na ang halaga ng cash gifts na naibigay ng national government sa mga centenarian sa bansa.

Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nasa 12,186 na ang nakatanggap ng tig-P100-K simula nang maipasa ang Centenarian Law noong Setyembre 2022.

Sa nabanggit na batas ay mandatoryong bibigyan ng tax-free na P100-K ang sinumang Pinoy na naninirahan sa Pilipinas o abroad na umabot na ng 100-taong gulang.

Kaugnay nito ay nasa P186-M ang inilaang pondo ng Kamara para dito sa 2024 national budget.

Follow SMNI NEWS on Twitter