Mahigit 1,400 na manlalaro, lumahok sa 73rd Januarius Fil-Am Golf Invitational

Mahigit 1,400 na manlalaro, lumahok sa 73rd Januarius Fil-Am Golf Invitational

ISA ang Fil-Am Golf Invitational sa pinakamalaking Golf Tournament sa buong mundo na taunang isinasagawa kung kaya may kaakibat itong pagsusumikap at pagpupunyagi.

Sa panayam kay Jude Eustaquio, General Manager ng Camp John Hay Golf Club, tinatayang nasa 256 registered participants ang lumahok sa Fil-Am Golf Invitational na maglalaro simula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 10 na binubuo ng mahigit 1,400 na mga manlalaro.

“This year we recorded 256 registered participants that will play in the next 18 days in essence from November 22 to December 10 that is comprising of 1,000 and almost 400 players,” ayon kay Jude Eustaquio, General Manager Camp John Hay Golf Club.

Ang Golf Tournament ay isang legasiya ng nagpapatuloy sa lungsod ng Baguio na nabuo noong panahon pa ng mga Amerikano at lubos na tinatangkilik ng publiko.

Kaugnay rito, mayroon namang premyong P1,500 ang sinumang pupulot sa mga bola sa golf hole.

Ayon pa kay Jude Eustaquio, ilan sa mga kalahok ay nagmula sa ibang bansa at karamihan sa mga ito ay mga Filipino-American (Fil-Am).

“Some have crossed the Pacific from United States, our international participant extends to the out of Asia Pacific Region from Japan to Australia but plenty of Filipino-Americans that are have decided in United States and make this as a yearly trip,” dagdag ni Eustaquio.

Aminado naman si Eustaquio na isa sa hamon ng nasabing Golf Club ay kung paano pa ito patuloy na pauunlarin, pagagandahin, at tatangkilikin ng mga kalahok gayundin ang kanilang nagpapatuloy na charity works sa pamamagitan nito.

Naniniwala rin siya na makatutulong ito sa turismo ng Baguio City.

Nasa kabuuang P21,000 naman ang registration sa bawat manlalaro na lalahok sa Fil-Am Golf Invitational.

Sa kabilang banda, excited naman ang mga manlalaro gaya ni Mar Bustos na nasa mahigit 10 taon ng sumasali sa taunang Fil-Am Golf Invitational.

“Excited, happy to play with the Fil-Am again, it’s been almost every year…every year we play the Fil-Am,” ayon kay Mar Bustos, Participant, Baguio City.

Panawagan naman ni Eustaquio sa publiko.

“Antabayanan niyo ang magiging magandang bakbakan dito sa Fil-Am ng ating mga manlalahok and I look forward welcoming all our participants here at the beautiful City of Pines in Baguio here at Baguio Country Club and Camp John Hay, mabuhay po kayong lahat,” ani Eustaquio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble