Thailand, ‘very low’ sa English Proficiency Index

Thailand, ‘very low’ sa English Proficiency Index

ANG Thailand ay nasa ikawalong ranggo o sadyang napakababa sa mga Asyanong bansa at ika-10I sa buong mundo sa English Proficiency Index 2023.

Dahil dito, ayon sa Index, nahuhuli ang Thailand sa Singapore, Philippines, Malaysia, Vietnam, Indonesia, Myanmar, at Cambodia pagdating sa kakayahang magsalita ng Ingles.

Ang English Proficiency Index 2023 ay base sa test results ng higit 2-M nakatatandang populasyon sa 113 bansa.

Ang EF na kilalang English Teaching Institute sa mundo ay hinati sa limang pangkat ang English proficiency, nariyan ang very high, high, moderate, low, at very low.

Sa rehiyon nga siya, walong bansa maliban sa Brunei, Laos, at Timor-Leste ang sumali sa pagsusulit na ito.

Samantala, ang Singapore naman ay may iskor na 631 o very high proficiency at nangunguna sa mga bansa sa Asya o ikalawa naman sa 113 bansa.

Ang Pilipinas ay ikalawa naman sa Asya at ika-20 sa buong mundo sa iskor na 578 o high proficiency.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter