NAITALA muli sa Navotas City ang pinakamababang bilang ng daily COVID-19 cases sa loob ng dalawang linggo mula sa lahat ng local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).
Mula Mayo 3 hanggang Mayo 9, nasa 19 ang average daily cases ng lungsod.
Nasa 32% na mas mababa ito kumpara sa 33 cases per day nito noong nakaraang linggo.
Ayon sa OCTA Research group 7.12 ang average daily attack rate o ADAR ng Navotas, pinakamababa ito sa buong NCR.
Nagpapasalamat naman si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa lahat ng frontliners at residente sa kooperasyon nito sa anti-COVID campaign ng lungsod.
Ayon kay Tiangco, nagbunga rin ang kanilang pagsisikap.
“We are glad to learn of such great news. Our sacrifices and hard work have paid off. We are grateful to our frontliners and employees for their dedicated service, as well as to each resident for their support and cooperation to our anti-COVID campaign,” pahayag ni Tiangco.
Hinimok naman ni Tiangco ang mga nasasakupan nito na patuloy gawin ang kanilang parte bilang mamamayan sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagsunod sa mga health protocols dahil patuloy pa rin ang laban kontra COVID-19 lalo pa’t nakapasok na sa bansa ang variant mula sa India.
“Our fight against COVID is still long, especially now that the variant from India has entered our country. We need to protect the gains we have achieved by taking part in our vaccination program, obeying the community quarantine rules, and following the minimum health protocols. Let us stop this pandemic. Let us keep each other safe,” dagdag ng alkalde.
(BASAHIN: Swab test ang multa sa mahuhuling hindi magsusuot ng face mask sa Navotas)