BINISITA ng isang opisyal mula sa bansang Japan ang Western Mindanao Command sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.
Ang nasabing opisyal ay si Ishikawa Yoshihisa ang Consul-General ng Japan, layon ng pagbisita nito na matalakay ang sitwasyon ng seguridad sa nasabing lugar.
Sa kaniyang pagbisita, tiniyak ng bansang Japan ang kanilang buong suporta sa Western Mindanao Command sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao dahil marami rin aniyang Japanese ang nakatira sa Mindanao lalo na sa Davao City.
Isinusulong din ng opisyal ang ugnayan ng Japan sa Mindanao pagdating sa ekonomiya, kultura, edukasyon, at iba pa.