KASAMA ang Filipino folk pop act na Ben&Ben sa awardees ng AAA Best Choice Award sa ginanap na Asia Artist Award 2023 nitong Disyembre 14.
Ayon sa Ben&Ben, hindi nila alam na makatatanggap sila ng award.
Kasama ng Ben&Ben na nakatanggap ng AAA Best Choice Award ang Korean female rapper na si Lee Young-ji, Kang Daniel, Dindin, Kim Jaejoong, Lim Young-woong, BOYNEXTDOOR, &TEAM, New Jeans, NMIXX, at Dreamcatcher.
Samantala, ang SB19 ay natanggap ang Hot Trend Award mula sa nabanggit na event.