“Kadiwa sa DA”, bubuksan ngayong Martes

“Kadiwa sa DA”, bubuksan ngayong Martes

BUBUKSAN na ngayong Martes, Disyembre 19 ang “Kadiwa sa DA: Pamaskong Handog ng Pangulo” ng Department of Agriculture.

Gaganapin ito sa DA Central Compound, Quezon City mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Sa pahayag ng DA, pagkakataon na muli ito ng local farmers na magkaroon ng dagdag-kita ngayong Disyembre.

Sa magiging Kadiwa sa DA ngayong Martes, maaaring makabili ng abot-kaya subalit dekalidad na agri-fishery products.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble