Lahat na sakop na paliparan ng CAAP, isinailalim na sa “heightened alert” ngayong holiday season

Lahat na sakop na paliparan ng CAAP, isinailalim na sa “heightened alert” ngayong holiday season

ISINAILALIM na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa heightened alert ang lahat ng kanilang airports bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holidays.

Sinimulan ito nitong Disyembre 15, 2023 at magtatagal hanggang Enero 3, 2024.

Sa isang pahayag, dadagdagan anila ang kanilang security measures at magpapakalat ng mas maraming personnel ang lahat ng government agencies na nag-ooperate sa mga airport gaya ng Office of Transportation Security at Philippine National Police Aviation Security Group.

Magkakaroon din ng karagdagang help desks sa passenger at departure areas.

Samantala, sa kabuuan, batay sa datos ng CAAP noong 2022, nasa 20.5-M ang naitalang domestic at international passengers ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter