PANALO si Miss Earth Philippines Yllana Marie Aduana sa Best Bikini ng nagpapatuloy na Miss Earth 2023.
Ito’y matapos makuha ni Yllana ang pinakamataas na boto sa final round ng Best Bikini.
Ayon sa Miss Earth, bilang winner ng Best Bikini ay magkakaroon si Yllana ng pagkakataong ma-doble ang kaniyang voting points mula Disyembre 19 hanggang 20 para sa Miss People’s Choice.
At kapag maipanalo nito ang Miss People’s Choice ay pasok na agad si Yllana sa semifinals ng beauty pageant.
Itinakda ang coronation night ng Miss Earth 2023 ngayong Disyembre 22 sa Van Phuc City sa Vietnam.