Mahigit 100 na mga bagong Civilian Active Auxiliary sa lalawigan ng Quezon, opisyal nang nanumpa

Mahigit 100 na mga bagong Civilian Active Auxiliary sa lalawigan ng Quezon, opisyal nang nanumpa

OPISYAL nang nanumpa sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong Civilian Active Auxiliary (CAA) sa lalawigan ng Quezon at Marinduque.

Ang nabanggit na CAA ay kabilang sa katatapos lang na Basic Military Training Class 145 at 146.

Ang mga bagong CAA ay magiging katuwang ng kasundaluhan at ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay LtCol. Joel R. Jonson Battalion Commander ng 85th Infantry (SANDIWA) Battalion na siya ay humahanga sa mga bagong CAA sa kagustuhan at boluntaryong paglilingkod ng mga ito para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar na kanilang nasasakupan.

Bago pa man ito, ang mga bagong CAA ay sumailalim sa 45 araw na boluntaryong pagsasanay sa ilalim ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble