Mga piloto ng Japan Airlines, hindi nakita ang Coast Guard plane habang pababa sa runway

Mga piloto ng Japan Airlines, hindi nakita ang Coast Guard plane habang pababa sa runway

INIHAYAG ng mga piloto ng Japan Airlines jetliner na nakabanggaan ng Coast Guard aircraft sa Haneda Airport sa Tokyo na hindi nila nakita ang Coast Guard plane habang bumababa sa runway.

Ayon sa Flight Control Data, walang senyales mula sa mga controller na huwag ituloy ng Japan Airlines plane ang pag-landing nito.

Kaya naman lumalabas na parehong hindi alam ng mga piloto at mga flight controller ang paglapag ng Coast Guard aircraft sa runway habang pababa naman ang eroplano ng Japan Airlines.

Sa pahayag ng isang source ng Kyodo, ang Coast Guard aircraft ay pinaniniwalaang tumigil sa runway sa loob ng 40 segundo bago ang aksidente.

Ayon pa sa Flight Control Data, ang mga controller ay nagpahintulot sa Japan Airlines jetliner na mag-landing sa runway habang sinabi sa Coast Guard plane na magtungo sa isang holding point na siyang nagpapahinto naman dito na pumasok sa runway nang mangyari ang collision.

Ayon sa 39 taong gulang na captain ng Coast Guard aircraft, pinayagan siyang makapasok sa runway.

Bigla rin aniyang lumiyab ang likod ng aircraft ng Coast Guard plane.

Ayon naman sa Japan Airlines, ibinigay na nito ang lahat ng impormasyon sa transport authority’s ng Japan na nag-iimbestiga sa malagim na aksidente sa nasabing runway ng Haneda.

Matatandaan na lima sa anim na kataong sakay ng Coast Guard bombardier DHC8-300 aircraft ang nasawi habang ang lahat ng 379 na pasahero ng Japan Airlines Airbus A350 ay nakalikas at walang malalang sugat na natamo.

Samantala, ayon sa airline, aabot sa 15 bilyong yen ang halaga ng ibu-book nito dahil nasira ang eroplano nito kahit na ito ay may insurance.

Samantala, ayon sa Japan Coast Guard, ang naaksidenteng aircraft ay patungo sana sa Niigata Prefecture para maghatid ng relief supply sa mga mamamayan na naapektuhan ng magnitude 7.6 earthquake na tumama sa Noto Peninsula.

Follow SMNI NEWS on Twitter