PCG, magkakaroon ng headquarters sa Bilibid Compound

PCG, magkakaroon ng headquarters sa Bilibid Compound

NAGKASUNDO ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Corrections (BuCor) na patibayin pa ang ugnayan ng dalawang ahensiya.

Hiniling ng PCG sa BuCor na mabigyan sila ng 20 ektarya sa loob ng New Bilibid Prison para gawing permanenteng headquarters.

Kapalit naman nito ang pagpayag na magamit ng BuCor ang mga barko at bus ng PCG para ibiyahe ang mga person deprived of liberty (PDL) sa buong bansa.

Maaari ding sanayin ng PCG ang mga tauhan ng BuCor sa paggamit ng PCG aircraft sa tuwing magkakaroon ng inspeksiyon sa mga pasilidad nito saanmang panig ng bansa.

Pero ayon sa BuCor, maaari nilang mabigyan ng tatlong ektarya ang PCG sa Bilibid at lupa sa Palawan na malapit sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaan na inanunsiyo ng BuCor noong 2023 ang planong pag-decongest sa Bilibid Compound sa Muntinlupa kung saan inililipat ang mga PDL sa iba’t ibang rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble