IDINEMANDA ng Uniqlo Co. ang kapwa retailer na Shein dahil sa umano’y pangongopya nito sa kanilang sikat na shoulder bag na kung tawagin ay “Mary Poppins Bag”.
Sa asunto, sinabi ng Uniqlo na ihinto na ng Shein ang pagbebenta nito.
Inihain ang demanda ng Tokyo-based fast retailing co. na siyang nag-ooperate ng Uniqlo stores sa Tokyo District Court noong Disyembre 28, 2023.
Sa ngayon ay wala pang komento ang Singapore-based na Shein hinggil sa demanda.