NAGPALIWANAG ang Presidential Security Group (PSG) hinggil sa paggamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng presidential chopper nang dumalo sa concert ng Coldplay noong Biyernes ng gabi.
Sa opisyal na pahayag ng PSG, nagdesisyon silang gamitin ang presidential chopper dahil sa matinding trapiko at padagsa ng nasa 40 libong katao sa naturang concert.
Ayon kay PSG Commander Major General Nelson Morales, ang naturang sitwasyon sa trapiko ay posibleng magdulot ng banta sa seguridad ng Pangulo.
Umaasa naman si Morales na maiintindihan ng publiko ang kanilang desisyon.
Ang concert ng Coldplay sa Pilipinas noong Enero 19 at 20 na isinagawa sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay bahagi ng ‘Music of the Spheres’ world tour ng grupo.