PORMAL nang umupo si Colonel Loreto Pasamonte bilang bagong Wing Commander ng 250th Presidential Airlift Wing, kapalit ni Brigadier General Aldrin Annani.
Isinagawa ang Change of Command Ceremony sa Villamor Air Base, Pasay City sa pangunguna ni Major General Joannis Leonardi Dimaano, Commander ng Air Mobility Command.
Bago maitalaga sa pwesto, si Pasamonte ay nagsilbi bilang Deputy Wing Commander ng 300th Air Intelligence and Security Wing.
Habang si Brigadier General Annani ang uupo bilang bagong Deputy Commander ng Air Logistics Command matapos itong bakantehin ni Brigadier General Jesus Nelson Morales.
Si Brigadier General Morales ang bagong Commander ng Presidential Security Group (PSG).
Binigyang-diin ni Major General Dimaano na ang pagbabago sa tungkulin ay pagkakataon para sa personal at professional growth ng mga opisyal.
