Rondae Hollis-Jefferson ng TNT, nais makapaglaro muli sa NBA

Rondae Hollis-Jefferson ng TNT, nais makapaglaro muli sa NBA

INAMIN ni Rondae Hollis-Jefferson na “number one” goal nito ang makabalik sa NBA.

Subalit nilinaw niya na nananatiling bukas ito para maglaro sa TNT Tropang Giga.

Kung matatandaan, anim na taon na naglalaro para sa NBA si Jefferson at kabilang sa kaniyang naging koponan ay ang Brooklyn Nets, Toronto Raptors, at Portland Trail Blazers.

Kaugnay rito, bagamat nag-ambag si Jefferson ng 33 points para sa TNT sa naging laro nila nitong Miyerkules, Enero 24 kontra Anyang Jung Kwan Jang ng South Korea ay hindi pa rin ito sumapat para maipanalo ang kanilang koponan.

Sa nabanggit na laro, nanalo ang Anyang sa iskor na 88-76.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble