NSC, itinanggi ang umano’y temporary special arrangement sa pagitan ng Pilipinas at Chinese Coast Guard

NSC, itinanggi ang umano’y temporary special arrangement sa pagitan ng Pilipinas at Chinese Coast Guard

ITINANGGI mismo ng National Security Council (NSC) na walang ginawang kasunduan sa pagitan Pilipinas at Chinese Coast Guard sa tuwing magsasagawa sila ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kaugnay ito sa diumano’y pagpayag ng Chinese Coast Guard na maipaabot ng Pilipinas ang mga suplay ng mga sundalong nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Matatandaang noong Enero 21, isang maliit na aircraft ng Pilipinas ang nag-airdrop ng supplies para sa mga Pilipinong sundalo.

Sa isang pahayag, sinabi ni NSC Deputy Director General Jonathan Malaya, wala silang natatanggap na anumang pakikipagkasundo sa Chinese Coast Guard at hindi aniya sila tatalima sa anumang kasunduan na sinasabi ng China kasabay ng paninindigang pag-aari nito at hindi nila kailangang humingi ng permiso sa kaninumang bansa sa pagtungo sa Ayungin Shoal.

“We do not need to get the permission of anyone including the Chinese Coast Guard, pag nagdadala tayo ng supply through whatever means, whether it is through ship, by air, kung anuman, we continue to support them and we have the right to do so. We don’t need permission of any country,” saad pa ni Deputy Director General Jonathan Malaya

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble