LIGTAS na mula sa pagka-trap ang higit sampung killer whales sa Hokkaido, Japan.
Kinumpirma ito ng mga opisyal sa lugar.
Nauna nang sinabi ng Japanese public broadcaster na NHK na hindi matutulungan ng mga residente doon ang killer whales dahil din sa ice flow.
Aantayin na lang anila na kusang matunaw ang yelo.
Sa video footage noong Martes, Pebrero 6, makikita ang killer whales na hirap sa paghinga at paglangoy.
Noong taong 2005 ay nangyari na rin na na-trap sa yelo ang siyam na killer whales at namatay ito.
Ito ang dahilan kung bakit nag-aalala ang mga environmentalist nang makitang na-trap ang mga ito.