Felix ng Stray Kids, nakiisa sa isang volunteer work sa Laos

Felix ng Stray Kids, nakiisa sa isang volunteer work sa Laos

NAKIISA sa isang volunteer work sa Laos na layuning magbigay ng malinis na tubig sa pamayanan ang dancer-rapper ng Stray Kids na si Felix.

Sa isang pahayag, sinabi ng artist na naiintindihan niya ang kahirapan na nararanasan ng mga kabataan sa Laos dahil sa kontaminadong tubig, kawalan ng sapat na sanitation at kakulangan sa nutrisyon kung kaya’t nag-abot na ito ng tulong.

Bagama’t nakapagbigay na ito ng 100 million Korean won para rin si Laos noong Enero 2024, mismong pumunta pa doon ang K-pop artist kamakailan habang naka-break mula sa group activities ang Stray Kids.

Dahil din sa ibinigay na donasyon ni Felix, siya na ang pinakabata at kauna-unahang Stray Kids member na napabilang sa honor society ng Korea ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble