FDA, mas nararapat na regulator ng medical marijuana at hindi ang Kongreso—medical group

FDA, mas nararapat na regulator ng medical marijuana at hindi ang Kongreso—medical group

MAS nararapat na supervisor o regulator ng medical marijuana ang Food and Drug Administration (FDA) at hindi ang Kongreso.

Ayon sa Philippine Medical Association, walang kakayahan ang Kamara at Senado na mai-monitor, i-review, o tiyakin ang kaligtasan at kalidad ng droga lalo na ang medical cannabis.

Anila pa, kasama ang 20 ibang medical societies at mga grupo, hindi sila pabor na gawing legal ang paggamit ng marijuana maliban na lang sa aprubadong dosage ng FDA para sa partikular na medical condition.

Maaari anila na mabigyang-daan ang publiko na gamitin ito sa recreational purposes.

Para sa Department of Health (DOH), walang problema kung gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot subalit hindi lang ito pabor kung magkakaroon ng marijuana cultivation sa bansa.

Hindi rin ito sang-ayon na magkaroon ng pagawaan ng cannabis products sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble