HINIHIKAYAT ng Germany-based na Kiel Institute ang European Union na doblehin na ang military support nila para sa Ukraine.
Ito’y dahil patuloy ang panghaharang ng Kongreso ng Estados Unidos hinggil sa paglalabas ng panibagong military aid para sa Kyiv na nagkakahalaga ng $60-B.
Hindi naman ito mahirap na ibigay ng European Union ayon sa Kiel Institute dahil mayaman ang mga bansang miyembro dito.
Sa ipinangakong €49.7-B ay nasa €35.2-B pa lang na halaga ng military aid ang naibigay ng European Union sa Ukraine.