IGINIIT ng dating kadre at anchor ng Laban Kasama ang Bayan na si Ka Eric na hindi pag-aaklas ang prayer rally na inorganisa ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kundi pagpahayag lamang ng totoong saloobin ng mga Pilipino sa nakaupong gobyerno. Sigaw nito: “Ang tao, ang Bayan hindi magagapi”.
“The people united, will never defeated,” pahayag ni Ka Eric, Laban Kasama Ang Bayan, Anchor.
“Ang tao, ang bayan hindi magagapi,” aniya.
‘Yan ang matapang na pambungad na mensahe ng Laban Kasama ang Bayan Anchor Ka Eric Celiz na sinabayan ng mga libu-libong tagasuporta ng KOJC sa unang araw ng 7-day prayer rally sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.
Ang 7-day rally ng Laban Kasama Ang Bayan ay inorganisa ng KOJC para ipinawagan ang hustisya kay Pastor Apollo C. Quiboloy at ang pananagutan ng gobyerno sa taumbayan sa kalayaan at kapangyarihan nitong ibinigay sa mga nakaluklok sa pwesto.
“’Yan ang boses na hindi mapipigilan ni Martin Romualdez. Ang tao, bayan hindi magagapi,” dagdag ni Ka Eric,
Paglilinaw ni Ka Eric, na hindi pag-aaklas ang ginagawa ng grupo kungdi ang pagpapakita ng malayang pa mamahayag ng saloobin ng mga Pilipino.
Saad pa ni Ka Eric, hindi basta basta tatahimik ang mga Pilipino sa mga umano’y pangungurakot na ginagawa ng mga nakaupo sa puwesto.
Sinabi pa nito na ang pagbabalik ng kaguluhan sa bansa, at ang paglapastangan kay PACQ at SMNI ay pagpapakita lamang na may problema sa kasalukuyang gobyerno na hindi na dapat hayaan ng mga Pilipino.
Pinitik din nito ang kangaroo court ng ni Sen. Risa Hontiveros laban sa butihing Pastor.
Paanyaya naman nito na ang bawat Pilipino ay makiisa sa ginagawang prayer rally sa Liwasang Bonifacio.
Ang prayer rally sa lugar ay magtatagal hanggang Marso 12.