Railway transport ng bansa, magiging mabisa na sa ilalim ng NSCR project–DOTR

Railway transport ng bansa, magiging mabisa na sa ilalim ng NSCR project–DOTR

MAS magiging mabisa na ang rail transport ng bansa kung magiging operational na ang North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Usec. Jeremy Regino, ang bagong rail line sa ilalim ng NSCR project ay “elevated” na gaya ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2.

Ibig sabihin, maiiwasan na ang anumang abala gaya ng pagbaha at pagkakasuspinde ng byahe dahil sa railway crossing.

Dagdag pa ng DOTr, mas mabilis rin ang mga train na gagamitin dito o katumbas ng 120 kilometers per hour.

Ang NSCR project ay bibyahe mula Pampanga hanggang Laguna.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble