Ilegal na POGO sa Tarlac, ni-raid dahil sa kasong human trafficking

Ilegal na POGO sa Tarlac, ni-raid dahil sa kasong human trafficking

NI-raid ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang ilegal na kuta ng isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Bamban Tarlac, Miyerkules ng umaga Marso 13, 2024.

Ito ay sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP), at Bulacan Police.

Nabatid na ang Zun Yuan Technology Incorporated ay sangkot umano sa kasong illegal detention at human trafficking.

Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, isang reklamo mula sa isang tumakas na Vietnamese national ang kanilang natanggap noon pang Pebrero 28 habang isang Malaysian national ang humingi ng tulong dahil sa pagkulong sa kaniya sa loob ng compound na labag sa kaniyang kagustuhan.

Batay sa inventory ng mga awtoridad, halos 500 indibidwal ang kanilang na-account na kinabibilangan ng 234 Pinoy, 107 Chinese, 6 Malaysians, 58 Vietnamese, 1 Taiwanese at Rwandans na kasalukuyang hinihingan ng mga dokumento ng Criminal Investigation and Detection (CIDG) at Bureau of Immigration (BI).

Sa gitna ng operasyon, nakita rito ang iba’t ibang scripts na ginagamit na modus gaya ng love scam kasama na ang mga ginagamit na mga Android Smartphones at iPhones para sa mga posibleng scam transactions.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble