DILG Chief sa BFP: Magsagawa ng electrical system inspection sa PGH

DILG Chief sa BFP: Magsagawa ng electrical system inspection sa PGH

INATASAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magsagawa ng komprehensibong electrical system inspection sa century-old medical facility ng Philippine General Hospital (PGH) para maiwasan ang mga insidente ng sunog sa hinaharap.

Inilabas ni Abalos ang kautusan nang personal niyang binisita ang health institution para tingnan ang kalagayan ng mga pasyente at kawani na naapektuhan ng sunog na sumiklab sa pasilidad noong nagdaan Biyernes.

Sa kaniyang pagbisita, inatasan ni Abalos si Bureau of Fire Protection (BFP)-NCR Regional Director Nahum Tarroza at PGH Director Dr.  Gerardo Legaspi, para simulan ang electrical system at connection inspection.

Pinapurihan ng kalihim ang mga tauhan ng PGH sa kanilang mabilis na pagresponde at paghahanda sa insidente ng sunog na nagresulta sa lahat ng mga pasyente at kawani sa kaligtasan.

Nabatid na may kabuuang 896 na mga pasyente at tauhan ang inilikas sa panahon ng insidente, at walang naitalang nasugatan o nasawi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble