DOTr Sec. Bautista pinangunahan ang pag-inspeksiyon sa Manila North Port Passenger Terminal ngayong Lunes Santo

DOTr Sec. Bautista pinangunahan ang pag-inspeksiyon sa Manila North Port Passenger Terminal ngayong Lunes Santo

PINANGUNAHAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pag-inspeksiyon sa Manila North Port Passenger Terminal ngayong Lunes Santo,  Marso 25, 2024.

Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) Command Center, mula hatinggabi hanggang alas sais ng umaga kanina, humigit-kumulang 50,000 inbound at outbound na pasahero ang naitala sa lahat ng pantalan sa buong bansa bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024.

Kabahagi si PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr. sa naturang inisiyatibo, kasama ang iba pang kinatawan ng DOTr Maritime Sector agencies – PCG, MARINA, at PPA.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter