QC Epidemiology and Surveillance Division, nagsagawa ng health education

QC Epidemiology and Surveillance Division, nagsagawa ng health education

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng pertussis sa lungsod ng Quezon, nagsagawa ang Quezon City Health Department (QCHD) ng health education para sa QCitizens.

Ito ay sa pangunguna ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) sa Brgy. Gulod nito lang nakaraan buwan.

Isinagawa ito upang ipaalam sa mga residente ang mga wastong impormasiyon tungkol sa sakit na pertussis.

Ibinahagi ni Mr. Mark Mariano, District 5 Disease Surveillance Supervisor ang kahalagahan na malaman kung ano ang sakit na pertussis, mga sintomas, at kung paano mabibigyan ng proteksiyon ang pamilya lalo na ang mga batang wala pang bakuna laban sa sakit na ito.

Sa kasalukuyang datos ng QCESD, umabot na sa 32 pertussis cases ang naitala ng lungsod mula Enero 1 – Abril 1, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble