Disaster resilience dapat pag-ibayuhin sa gitna ng pandemya —Sen. Poe

Disaster resilience dapat pag-ibayuhin sa gitna ng pandemya —Sen. Poe

MULING nanawagan si Senator Grace Poe na i-rationalize ang istraktura at proseso ng gobyerno para mabigyang daan ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience.

Ginawa ni Senator Poe ang paalala lalo na’t simula na ng mga pagbagyo kasabay ng pag-alburoto ng Bulkang Taal sa gitna ng pandemya.

Matatandaan na nauna nang inihain ng senador ang Senate Bill 124 na naglalayong magtatag ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management.

Ang nasabing departamento ay inaasahang magtitimon sa iba’t ibang sektor patungo sa isang disaster-resilient na Pilipinas.

Umaasa naman ang senador na maipapasa ito bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

(BASAHIN: Paglilinis sa loob ng PhilHealth, hindi lang natatapos sa pagpapalit ng liderato —Sen. Poe)

SMNI NEWS