NAGTUNGO si Thai Princess Maha Chakri Sirindhorn sa Beijing at nakipagpulong kay Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Ipinaabot naman ni Wang ang pagbati ni Chinese President Xi Jinping kay Thai King Maha Vajiralongkorn.
Ayon sa top diplomat ng China si Princess Sirindhorn ay bumisita sa China ng higit limampung beses, isang patunay kung gaano kalapit bilang pamilya ang dalawang bansa.
Ayon naman sa Thai Princess, ang kanyang bansa ay handang palalimin ang kooperasyon sa China sa syensya, teknolohiya, agrikultura, edukasyon at pagpapalitan ng tao.
Matatandaan na ang China ang pinakamalaking trading partner ng Thailand at pinakamalaking source ng foreign investment sa nakalipas na mga taon.
Mamarkahan naman ng dalawang bansa ang limampung taong anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng nito sa susunod na taon.