Political vloggers, masayang nakiisa sa kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Political vloggers, masayang nakiisa sa kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

RELAX muna sa politika ang ilang hard-hitting political vloggers matapos makiisa sa birthday celebration ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Puno ng sayawan…

Makukulay na kasuotan…

Masasarap na pagkain…

At napakasayang pagdiriwang…

‘Yan ang bumungad sa political vloggers na dumalo sa birthday celebration ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ngayong taon.

Gaya ng mga nagdaang pagdiriwang, ang mga kabataan pa rin ang pangunahing beneficiaries sa birthday bash ng butihing Pastor.

Kaya ang mga vlogger, break muna sa hard-hitting commentaries at mga isyu sa politika at nagpakain muna ng mga bata sa feeding program ni Pastor Apollo.

Kasama rin sila sa gift-giving kung saan namigay ng mga laruan at regalo sa mga kabataang bisita.

“Grabe, nakakamangha at nakakabilib ‘yung nasaksihan ko sa birthday ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” pahayag ni Bisdak Pilipinas, Political Vlogger.

Ang vlogger na si Pambansang Loyal, nakita ang pagiging loyal ni Pastor Apollo sa mga kabataan.

Kaya maging siya, hindi makapaniwala sa mga aktibidad na kaniyang sinalihan.

“Una kong nakasaksi sa ganitong paghahanda sa isang kaarawan na imbes na siya ang handugan eh siya po ang naghandog para sa mga kabataan. Maliwanag po sir na ang kaniyang loyal (loyalty) sa mga kabataan ay totoong pinaiiral niya po,” ayon kay Pambansang Loyal, Political Vlogger.

Wala man si Pastor Apollo sa kaniyang pa-birthday ngayong taon, ay damang-dama naman ang presensiya ng butihing Pastor sa puso’t diwa ng milyun-milyong KJC workers at members sa buong mundo.

Bakas ang pagkasabik na makita ang butihing Pastor sa hinaharap at ipagpatuloy ang pagpapakalat ng kabutihan sa kapwa.

“First ko po itong na-experience—salamat Pastor! First time ko ring napanood ng ganitong klaseng mga sayaw. Dito lang pala matatagpuan sa iyong Kingdom,” wika ni VMR YouTube Vlog, Political Vlogger.

“Sana kung ganito lang sana ‘yung isang pinuno, ‘yung lider ng bansa natin—mag seminar kay Pastor Apollo Quiboloy kung paano niya matuturuan ng magandang pagpapalakad— ‘yung nation-building talaga. Kinakailangan mag-seminar kay Pastor para matutunan niya kung paano magpalakad ng isang bansa,” ayon kay BUSTER TV, Political Vlogger.

“First time po naming maka-experience ng ganito na hindi naming inaasahan sa mga buhay namin,” ayon naman kay Brothers Traveler, Political Vlogger.

“Alam niyo napakalapit sa akin nun kasi ayun ‘yung dating mga ginagawa ko noong panahon na nagcha-charity ako, kaya sobrang natuwa ako gawa ng sobrang dami ng mga batang natutulungan at napakain ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” wika naman ni Jay Guevarra, Political Vlogger.

Pagkatapos ng feeding program, ang Banateros Brothers naman o ang tambalang Coach Oli, Boss Dada TV, at Banat By ang bumida sa cultural dance contest sa selebrasyon.

Sila ang nagsilbing hurado sa pasiklaban ng mga katutubong sayaw na masayang sinalihan ng mga kabataan at adult contingents.

“Hindi inaalis ‘yung kultura. Ipinapasa sa mga Pilipino, nakakatuwa kasi talagang ano eh ‘yung pagmamahal sa bansa,” ani Banat By, Political Vlogger.

Aminado naman ang Banateros na nahirapan sila sa pagpili ng mananalo dahil lahat ay mahusay.

Sa kabuuan ng selebrasyon ay nagpasalamat ang mga bisitang vlogger sa paanyaya ni Pastor Apollo.

Kasabay ng pagpapaabot ng kani-kanilang personal na mensahe sa butihing Pastor.

Political vloggers kay Pastor Apollo: Hulog ka ng langit sa mga kabataan

‘‘’Yung una pa pong kita natin dito sa Kingdom of Jesus Christ, kakaiba na po ‘yung na-experience kong spiritual life. Alam ko po Pastor na ang lahat ng nangyayari ngayon sa Kingdom of Jesus Christ at sa inyo ay malalampasan po ninyo ito. Bigyan pa po kayo ng malusog na pangangatawan—more years to come sa inyong buhay. Upang marami pa po kayong matulungan,” ayon pa kay Bisdak Pilipinas, Political Vlogger.

“Pastor, nandidito lang po kami. Hindi po kami magbabago. Higit sa lahat, patuloy po kaming susuporta sa iyo. Hanggang kailan man matapos itong mga pag-aakusa sa inyo. Hindi po namin kayo iiwan Pastor,” saad ni Pambansang Loyal, Political Vlogger.

“Pastor, isa pong kakaiba dahil hindi lang po ikaw ang basta’t masaya lang nito. Marami ka pong pinasaya, lalo na po mga bata—at hindi lang po dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo,” ayon kay VMR YouTube Vlog, Political Vlogger.

“Pastor, binabati kita ng maligayang kaarawan at sana marami ka pang matulungan at marami ka pang mapasaya at nawa mas maging malakas pa ang iyong pangangatawan at humaba pa ang iyong buhay para marami ka pang misyon na dapat gampanan sa mundo,” mensahe ni BUSTER TV, Political Vlogger.

“Pastor, happy happy birthday! More birthday to come and God will guide you and give you strength,” ayon naman kay Brothers Traveler, Political Vlogger.

“Pastor, kung nasaan ka man ngayon ingat ka palagi. Maraming-maraming salamat. Sobra kaming nag-enjoy,” pahayag ni Jay Guevarra, Political Vlogger.

“Pastor, kahit hindi tayo masyadong nag-aano… We love you kasi…(pinipigilan ang iyak) Basta ayun…I see the love. Thank you… Marami kang natulungan. Kapit-kapit po. Kapit,” ayon naman kay Coach Oli, Political Vlogger.

“Ikaw si Pastor Apollo C. Quiboloy walang imposible sayo. So happy birthday, salamat… Napakasaya ng experience ng Banateros Brothers at lahat po ng mga kasama nating vloggers na nandidito sa Kingdom para maki-celebrate,” saad naman ni Boss Dada, Political Vlogger.

“Laban lang Pastor. Tandaan mo lang ang Romans 8:28; In all things, God works for good for those who loved him and called according to his purpose. God has a purpose for you—alam ko medyo mahirap. Pero di ba si Job nga eh, lahat dinanas niya pero eventually bumalik times 2 ‘yung pagpapala. Kapit lang dahil darating ang panahon na makikita ng taumbayan kung sino ang totoo at sinong hindi,” wika pa ni Banat By, Political Vlogger.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter