NINANAIS ngayon ni ONE Flyweight MMA World Champion Demetrious Johnson o mas kilala bilang Mighty Mouse na sumalang sa isang boxing match.
At hindi lang basta-basta na boxing match dahil ninanais niya na makalaban si Filipino Boxing Champ Manny Pacquiao.
Ani Johnson, inspirasyon niya para dito ang naging laro kamakailan ng boxer na si Canelo Alvarez kung saan naipanalo nito ang laban kontra Jaime Munguia.
Bagamat hindi sinabi na gagawin, para kay ONE Chairman at CEO Chatri Sityodtong ay maganda ang ideyang ito ni Johnson.