ISANG kasunduan ang pinirmahan sa pagitan nina Volleyball Superstar Alyssa Valdez, Quezon City Councilor Marra Suntay at Cleanfuel President & CEO Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay para palawigin pa ang sports program sa Quezon City.
Dahil dito, may mga kabataang sasalang sa volleyball training sa ilalim mismo ng Alyssa Valdez Youth Volleyball Camp (AVYVC).
Kasama ang volleyball superstar sa mga magtuturo sa gagawing clinic.
Ang ugnayan ay binuo para mapaigting ang programa kontra droga sa mga kabataan sa pamamagitan sports.