MABIGAT na parusa ang tatanggapin ng Japan sakaling lumampas ito sa relasyon nito sa Taiwan, o suportahan nito ang isinusulong na ‘Taiwan independence.’ Ito ay ayon mismo sa tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China kamakailan.
Ang pahayag ni Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin ay kasunod ng naging komento ng Tokyo na isa umanong ‘extremely inappropriate’ o hindi naangkop na pahayag ang ginawa ng Beijing sa posisyon nito sa isyu ng Taiwan.
Sinabi kasi ng Japan na anumang mangyayari sa Taiwan ay siya ring sasapitin ng Japan.
“The Taiwan question is at the very core of China’s core interests. It bears on the political foundation of China-Japan relations and is a red line that must not be crossed. Some in Japan have been making negative moves on Taiwan, including repeating the preposterous and dangerous notion that ‘any contingency for Taiwan is a contingency for Japan’, which seriously violates the spirit of the four political documents between China and Japan and the commitments Japan has made,” Wang Wenbin Spokesman, Ministry of Foreign Affairs said.
Matatandaan na ilang beses nang nagbanta ang Beijing sa Taiwan sa mga ginagawang pagkilos ng bagong presidente na si Lai Ching Te na maituturing na ‘separatist acts’ o mga pagkilos na nagpapakita ng kalayaan mula sa mainland China.
Ngayong Biyernes ang ikalawang araw ng isinagawang military drill ng Beijing sa palibot ng Taiwan. Ito’y bilang parusa umano na ang Taiwan ay mananatiling teritoryo ng China.